Confirmed! Ampalaya Monologues is Back for 6th Season!

[et_pb_section fb_built=”1″ admin_label=”section” _builder_version=”4.10.6″ background_color=”#fefbdc” custom_padding=”0px|||||” border_width_all=”1px” border_color_all=”#000000″ locked=”off” global_colors_info=”{}”][et_pb_row admin_label=”row” _builder_version=”3.25″ background_size=”initial” background_position=”top_left” background_repeat=”repeat” global_colors_info=”{}”][et_pb_column type=”4_4″ _builder_version=”3.25″ custom_padding=”|||” global_colors_info=”{}” custom_padding__hover=”|||”][dss_post_featured_image use_overlay=”off” align=”center” force_fullwidth=”on” always_center_on_mobile=”on” _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” width=”100%” max_width=”100%” module_alignment=”center” global_colors_info=”{}”][/dss_post_featured_image][et_pb_post_title date=”off” comments=”off” featured_image=”off” _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” title_text_align=”center” title_font_size=”34px” meta_text_align=”center” meta_font_size=”12px” text_orientation=”center” global_colors_info=”{}”][/et_pb_post_title][et_pb_text admin_label=”Text” _builder_version=”4.10.6″ background_size=”initial” background_position=”top_left” background_repeat=”repeat” global_colors_info=”{}”]Opisyal nang sinimulan ng grupong Ampalaya Monologues ang kanilang ika-anim na season na may temang MAGPATULOY. 

Sino ang Ampalaya Monologues?

Ang Ampalaya Monologues o kilala rin bilang Team Ampalaya ay grupo ng mga monologuist at spoken word poets na sumikat dahil sa mga patok na “hugot shows” na ipinalalabas sa iba’t ibang mga entablado sa Pilipinas. Dahil sa pandemiya ay kinailangang itigil ng Ampalaya Monologues ang kanilang mga live events at ngayon ay patuloy silang namamayagpag sa iba’t ibang mga digital platforms. 

Season 6 – Magpatuloy

Isa sa mga susi sa likod ng patuloy na tagumpay ng Ampalaya Monologues sa nakalipas na anim na taon ay ang hindi pagtigil ng grupo sa paghahanap ng paraan upang patuloy na makapaglikha sa gitna ng mga pagsubok na kanilang kinaharap. Kaya naman sa pagbubukas ng panibagong kabanata ng Ampalaya Monologues, nais ng grupo na magbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagpapaalala na anumang pait ang ibato sa atin ng mundo, kailangan nating MAGPATULOY.

Ayon sa Creator at Founder ng Ampalaya Monologues na si Mark Ghosn, ang inspirasyon para sa 6th season ay may malalim na koneksyon sa mga tao na kasama sa pagbuo nito, naging instrumento rin umano ang paghahanda sa season na ito upang mas maging malalim ang kanilang samahan, “Napakahalaga na meron kang mga tao sa paligid mo na hindi lang nariyan kapag masaya, dapat makakapitan mo rin sila sa gitna ng pait, mga tao na bibigyan ka ng lakas upang magpatuloy – magpatuloy sa paggawa ng hilig mo, magpatuloy sa pag-abot ng pangarap mo, magpatuloy na mabuhay dito sa mundo.”

Ayon naman sa miyembro ng Ampalaya Monologues na si JP Ortiz, timely at relevant ang temang ito lalo na sa panahon ng pandemic, “Ngayon mas kailangan na ma-highlight ang mga bitter-to-better stories ng ating mga kaampalaya. Mahalaga na maipakita natin sa kanila na may kasama sila na nakakaintindi ng pinagdaraanan nila.”

Bitter-to-Better Projects

Sa bagong season ay may anim na proyektong ilulunsad ang Ampalaya Monologues. Ayon sa senior member na si Ristichen, ang mga nasabing projects ay hindi nalalayo sa mga live shows na ginagawa nila noon, “Nawala kasi yung engagement na nakasanayan ng mga kaampalaya nung may live shows pa, ibabalik natin yung para kumonekta ulit sa kanila with the same purpose na magbahagi ng mga bitter-to-better stories para matuto at sama-sama tayong maging better.”

Abangan ang mga bagong ilulunsad na proyekto ng Ampalaya Monologues ngayong 2021-22. Para sa detalye, maaring bisitahin ang kanilang website www.ampalayamonologues.xyz

 
[/et_pb_text][et_pb_divider color=”#000000″ _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” global_colors_info=”{}”][/et_pb_divider][et_pb_code _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” text_orientation=”center” module_alignment=”center” global_colors_info=”{}”][addtoany][/et_pb_code][dsm_facebook_comments page_url=”https://www.facebook.com/ampalayamonologues” _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” hover_enabled=”0″ border_width_all=”1px” border_color_all=”#000000″ global_colors_info=”{}” sticky_enabled=”0″][/dsm_facebook_comments][/et_pb_column][/et_pb_row][/et_pb_section]