Ampalaya Monologues Nakisagot sa Family Feud Philippines

Ampalaya Monologues Nakisagot sa Family Feud Philippines

Hugot-filled ang naging episode ng Family Feud Philippines dahil sa guest players nito na mga spoken word poetry artists at monologists, ang Ampalaya Monologues. Ang grupo na kinabibilangan nina Mark Ghosn, Janine Lloce at Ristichen, ay pinakilala bilang mga nangunguna sa bansa pagdating sa sining ng “hugutan”.

Nakipagsabayan din ang host na si Dingdong Dantes sa pagbitaw ng mga mapanakit na linyanhan, at maging ang kabilang grupo na kinabibilangan naman ng mga Beauty Queens ay hindi rin nagpahuli at nagbaon din ng sariling mga hugot. Pero hindi lang yan dahil maging ang nangyaring laro ay may masakit na kwento rin na dala. Panuorin ang buong episode at alamin kung bakit nga ba itinuturing ito na isa sa “pinakamasakit” na episodes ng nasabing game show.

Sa huli, nakapag-uwi pa rin ng kaching ang Ampalaya Monologues at pinasalamatan sila ng maraming netizens dahil sa pagpili sa Angat Pinas Inc. bilang kanilang beneficiary.