Ampalaya Monologues Tampok sa Rated Korina

Ampalaya Monologues Tampok sa Rated Korina

Ibinahagi nina Mark Ghosn, Ristichen at Janine Lloce, mga miyembro ng Ampalaya Monologues, ang kanilang mga personal na karanasan sa programang Rated Korina, ang magazine show ni Ms.Korina Sanchez-Roxas. Sa nasabing episode ay isiniwalat ng tatlong miyembro ng Team Ampalaya ang mga tunay na kwento sa likod ng mga spoken word poetry at monologues na kanilang tinatanghal nila.

Naging interesting ang episode dahil sa iba’t ibang hugot ng tatlo. Mula sa naging bitter-to-better journey ni Mark, hanggang sa struggles ni Ristichen bilang single mom, at ang pagiging real-life beshie ng bayan ni Janine, lahat sila ay nagbukas ng puso upang mas lalong makilala ng mga manunuod.

Mapapanuod ang nasabing episode sa official YouTube channel ng Rated Korina.