Nasa ika-anim na pwesto ang Ampalaya Monologues book sa inilabas na resulta ng Filipino Readers’ Choice Awards, isang popularity contest na hatid ng Book Development Association of the Philippines (BDAP). Hinati ang daan-daang published books sa iba’t ibang kategorya tulad ng Romance, Graphic Novels, at Fiction Anthology na siya rin kategoryang kinabilangan ng Ampalaya Monologues.
Ang nasabing libro ay published noon 2017 ng Summit Books at naglalaman ng mga monologo na isinulat ni Mark Ghosn at itinanghal sa mga palabas ng Ampalaya Monologues. Pumatok ang libro dahil sa relatable na mga hugot na pumukol sa damdamin ng mga mambabasa.


Nagpasalamat ang author na si Mark Ghosn sa suportang natanggap ng libro sa Filipino Readers’ Choice Awards, patunay na ang Team Ampalaya ay aktibo pa rin sa pagpapakita ng pagmamahal sa Ampalaya Monologues.