Ampalaya Monologues Magtatayo ng Team sa Pampanga
Inanunsyo ng Ampalaya Monologues, ang nangungunang grupo ng mga spoken word artists at monologists sa Pilipinas, ang pagtatayo nito ng opisyal na grupo sa Pampanga. Bahagi ito ng kanilang layunin na lalo pang palawakin ang pagpapahalaga sa sining ng spoken word poetry at monologues sa bansa. Sa pamamagitan ng kanilang Team Apalya Project (ang apalya ay kapampangan translation ng ampalaya) ay magtatanghal ang Ampalaya Monologues sa iba’t ibang entablado ng Pampanga at mga kalapit na lugar kasama ang mga kapampangan monologists at spoken word poetry artists.

Narito ang paraan upang maging bahagi ng Team Apalya Project:
Kasado na rin ang kanilang unang palabas sa Pampanga sa darating na November 26, 2022, 6PM. Itatanghal ng Ampalaya Monologues ang Single Bells, na koleksyon ng mga piyesa na may kinalaman sa kapaskuhan, angkop na angkop ang tema dahil ang palabas ay gaganapin sa Giant Lantern and Tourism Information Center (Paskuhan Village), City of San Fernando, Pampanga, na tinaguriang Christmas Capital of the Philippines. Sa nasabing palabas rin ipakikilala ng grupo ang mga artists na magiging bahagi ng Team Apalya Project.
Para sa karagdagang impormasyon ay maaring magpadala ng mensahe sa official facebook page ng Ampalaya Monologues.