[et_pb_section fb_built=”1″ admin_label=”section” _builder_version=”4.10.6″ background_color=”#fefbdc” custom_padding=”0px|||||” border_width_all=”1px” border_color_all=”#000000″ locked=”off” global_colors_info=”{}”][et_pb_row admin_label=”row” _builder_version=”3.25″ background_size=”initial” background_position=”top_left” background_repeat=”repeat” global_colors_info=”{}”][et_pb_column type=”4_4″ _builder_version=”3.25″ custom_padding=”|||” global_colors_info=”{}” custom_padding__hover=”|||”][dss_post_featured_image use_overlay=”off” align=”center” force_fullwidth=”on” always_center_on_mobile=”on” _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” width=”100%” max_width=”100%” module_alignment=”center” global_colors_info=”{}”][/dss_post_featured_image][et_pb_post_title date=”off” comments=”off” featured_image=”off” _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” title_text_align=”center” title_font_size=”36px” meta_text_align=”center” meta_font_size=”12px” text_orientation=”center” global_colors_info=”{}”][/et_pb_post_title][et_pb_text admin_label=”Text” _builder_version=”4.10.6″ background_size=”initial” background_position=”top_left” background_repeat=”repeat” global_colors_info=”{}”]
Kung isa kang certified kaampalaya o fan ng Ampalaya Monologues, kailangan mong malaman ang listahan ng mga projects ng Team Ampalaya para sa kanilang 6th Season na may temang “MAGPATULOY – kasama mo sa saya, kakapit mo sa pait”.
Livestream Channel
Upang ilunsad ang livestreaming channel ng Ampalaya Monologues (AM), opisyal na nakipag-partner ang Team Ampalaya sa kumu. Ang kumu ay ang nangungunang livestreaming app sa Pilipinas. Maraming gumagamit ng nasabing app dahil maganda itong venue upang makapagtanghal nang live at kumunekta sa mga kapwa pinoy, kaya naman ito ang napiling platform ng Ampalaya Monologues para sa kanilang livestreams. Nais ng team na gamitin ang kanilang kumu channel upang patuloy na ma-promote ang art ng spoken word poetry at monologues. Layunin din ng team na makasalamuha nang live ang mga fans ng AM sa pamamagitan ng mga talk shows na kung saan ay pinag-uusapan ang mga bitter-to-better love stories at iba pang mga hugot sa buhay ng mga kaampalaya.
Podcast
Usong-uso ngayon ang mga podcast, ito ay mga audio recordings na mistulang mga programa sa radio na maaring mapakinggan sa mga music streaming apps tulad ng Spotify, Apple Podcast at Anchor. Kaya naman, nakipag-partner ang Team Ampalaya sa Collab Asia para ilabas ang official podcast ng Ampalaya Monologues. Pinag-uusapan sa podcast ang iba’t ibang mga kuwentong pag-ibig ng mga Team Ampalaya artists. May mga performances din ng spoken word poetry, monologues at kantahan.
Concept Store
Bubuksan din ng Team Ampalaya ang A-Lab Shop o Ampalaya Monologues Collab Shop. Ang A-Lab Shop ay isang concept store kung saan mabibili ang iba’t ibang merchandize na gawa ng mga artists na nakipag-collaborate sa AM. Ang unang produkto ng shop ay ang official season 6 t-shirt na gawa ng YouBelongHere, isang online clothing brand na gumagawa ng mga designs na may kinalaman sa Mental Health. Ang A-Lab Shop ay matatagpuan sa kumu shop. Maaari din umorder sa website, instagram at facebook ng @ampalayamonologues.
Publishing
Kasama rin sa mga proyekto ng AM sa ika-anim nitong season ay ang paglalabas ng hugot blog, tampok dito ang mga articles na layong tumulong sa mga kaampalaya na may mga pinagdaraanan sa kanilang mga buhay pag-ibig. Ilalabas din sa website ng AM ang mga e-zines na tampok ang mga local writers, gayundin ang eBooks ng iba’t ibang mga Filipino authors. Bukas rin ang AM na tumanggap ng mga tula, at articles mula sa mga mambababasa.
Digital Studio
Isa mga mga malalaking proyekto na ilulunsad ng AM ay ang Studio-A, isang digital studio na magpapalabas ng mga short films at performance videos na tampok ang mga Team Ampalaya artists. Bilang paghahanda ay pumirma na ng contract ang AM sa AnyCreatorPH, isang agency na tumutulong sa mga content creators na mapabuti ang kanilang mga likha. Ang unang handog ng Studio-A ay ang Best of Ampalaya Monologues series, professional videos ito na tampok ang mga collection ng mga pinakapumatok na performances ng AM sa nakalipas na anim na taon.
Academy
Kung ikaw ay spoken word artist o monologuist na nais pang palawakin ang iyong kaalaman at kahusayan, nais ng Team Ampalaya na tulungan ka sa pamamagitan ng paglulunsad ng A.L.A.M o Art Lessons by Ampalaya Monologues. Malapit nang magbukas ang nasabing online learning platform na magbibigay ng mga workshops, talks at seminars tampok ang mga mahuhusay at experienced na mga individual mula sa larangan ng pagsusulat at pagtatanghal.
May iba pang mga proyekto ang Ampalaya Monologues bukod sa anim na nabanggit, upang maging updated sa mga ganap ng AM,
i-follow sila sa mga sumusunod na social media accounts:
YouTube: https://www.youtube.com/ampalayamonologues
Facebook: https://www.facebook.com/ampalayamonologues
Kumu: https://app.kumu.ph/ampalayamonologues
Instagram: https://www.instagram.com/ampalayamonologues[/et_pb_text][et_pb_divider color=”#000000″ _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” global_colors_info=”{}”][/et_pb_divider][et_pb_code _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” text_orientation=”center” module_alignment=”center” global_colors_info=”{}”][addtoany][/et_pb_code][dsm_facebook_comments page_url=”https://www.facebook.com/ampalayamonologues” _builder_version=”4.10.6″ _module_preset=”default” hover_enabled=”0″ border_width_all=”1px” border_color_all=”#000000″ global_colors_info=”{}” sticky_enabled=”0″][/dsm_facebook_comments][/et_pb_column][/et_pb_row][/et_pb_section]