Kung Paano Magmahal Nang Hindi Umaasa

Masarap magmahal. Kapag na-inlove ka, para kang lumulutang sa alapaap. Everything feels so light and right. Mayroon kang glow from within at lahat ng tao napapansin ang kasiyahan mo.

Bawat saglit na kasama mo siya, itinatatak mo sa alaala. Kapag nakikita mo siya, talo pa ng puso mo ang XB GenSan sa pagtalon at pagkabog. Minsan nga nagpaplano ka na ng future niyo nang magkasama, e – paano ang kasal niyo, anong pangalan ng mga magiging anak niyo, saan kayo magreretire.

Kapag nagmamahal tayo, binibigay natin ang lahat.

Pero siya hindi

But at the back of our minds, although we do not admit it to ourselves, we want him (or her) to feel and think the way we do– na mahal niya tayo kung gaano natin siya kamahal, na masaya siya kapag masaya tayo dahil magkasama kayo, na iniisip na rin niya ‘yong future niyo tulad ng ginagawa mo… na ibinibigay niya ang lahat ng pagmamahal niya para sa’yo kasi all out ka sa kanya.

Pero minsan, hindi gano’n ang nangyayari, e. Minsan mas mahal natin siya, kaysa siya sa atin. Minsan bilang kaibigan lang ang pagmamahal niya sa atin o kaya minsan, tayo lang ang nagmamahal.

Pero dahil minamahal natin siya nang sobra-sobra, higit pa sa sarili natin, okay lang kahit hindi niya tayo mahal. Hindi natin maipaliwanag kung bakit, e. Baka may pagkatanga at martir lang talaga tayo. O kaya baka kasi umaasa tayong mamahalin niya rin tayo. O baka naman gano’n lang talaga tayo magmahal.

Anong gagawin ko?

Wala namang masama at mali kung magmamahal tayo ng taong hindi tayo mahal o hindi kailanman tayo mamahalin. Ouch! Pero dapat, handa tayong hindi umaasa.

“Pwede ba’yon?” Oo naman, pwede. Mahirap, yes, pero hindi imposible…

Unang-una na dapat nating gawin ay magkaroon ng acceptance sa sitwasyon na kinalalagyan natin. Dapat aminin at tanggapin natin sa sarili natin na sadyang magmamahal na lang tayo mula sa malayo, na sadyang hanggang tingin na lang tayo, na darating ang pagkakataon na mapapanood natin na mahahanap niya ‘yong taong mamahalin niya… at hindi tayo ‘yon.

Sabi nga sa monologue na Sa Pagitan ng Tayo Ba at Hindi Na,

“May mga bagay lang talaga sa mundo na kahit hindi mo makuha, makita mo lang, masaya ka na.”

Pangalawa at related sa unang tip, dapat matuto tayong magkaroon ng contentment sa pagmamahal mula sa malayo. Kapag nakuntento tayo na makitang masaya siya, kahit sa piling pa ng iba, sasaya ka na rin, e. Kasi ‘di ba love is about giving the person we love happiness kahit hindi na ikaw ang dahilan no’n?  Kumbaga ikaw ‘yong photographer na nagsasabing “SMILE” pero hindi ikaw ‘yong kasama nila sa picture.

‘Yong pangatlo at pang-apat naman, based sa Ancient Greece. Sabi kasi, may walong klase raw ng pagmamahal: eros o sexual love, philis o friendly love, philautia o self-love, storge o familiar love, pragma o enduring love, ludus o playful love, mania o obsessive love, at agape o unconditional love.

So, para sa third tip, dapat kapag nagmahal tayo ang ibigay natin ‘yong agape. Dapat ‘yong pagmamahal na hindi pansarili lang, ‘yong pagmamahal na hindi lang tungkol sa sex o materyal na bagay, ‘yong pagmamahal na hindi naghihintay ng anumang kapalit. ‘Yong pagmamahal na iintindihin natin na hindi ikaw ang kailangan niya kaya kailangan ibigay mo siya sa iba.

Mahirap ibigay, yes. Masakit, yes. Pero ‘yon kasi (para sa akin) ang tunay na pagmamahal.

At ang huli, dapat mayroon tayong philautia o self-love. Kapag mahal natin ang sarili natin, may respeto tayo sa sarili natin kaya hindi tayo makikipagsiksikan sa puso ng taong hindi naman tayo mahal.

This is not an easy process, wala namang nagsabing madali. Pero kaya natin ‘to!